Huwebes, Oktubre 20, 2016
"DON'T ME! JEJEMON"
Sa pagpapatuloy ng pag-usbong ng ating ekonomiya marami na ring nagbabago na hindi natin namamalayan tulad lamang ng pagbabago ng ating mga imprastraktura, naging "high tech" na ang ating mga gamit at may bagong wika ang nalikha isa na dito ang "Jejemon." Ang Jejemon ay karaniwang ginagamit ng mga kabataan ngayon. Ito ay ang paggamit ng mga salita na dinadagdagan ng mga letra upang maiba ang pagbigkas nito ngunit pareho lamang ang ibig ipahiwatig.
Ang paggamit ng wikang ito ay may magandang naidudulot ngunit meron ring hindi magandang epekto sa atin at sa ating lipunan. Ang wikang Jejemon ay ginagamit ng mga tao kadalasan mga kabataan dahil ito ay nagbibigay aliw sa kanila at naipapahayag nila ng maayos ang kanilang gustong iparating o ipahiwatig. May mga taong nagiging komportable sa paggamit nito at naranasan na nila itong gamitin dahil gusto nila ng "something new" at malawak ang kanilang imahinasyon kaya nakukuha nila ito agad. Ngunit sa kabilang banda, meron itong mga masamang epekto dahil hindi lahat ng tao ang nakakaintindi nito kaya walang pagkakaunawaan. May mga tao ring naiinis sa wikang ito at napapawalang bisa ang paggamit ng ating sariling wika na Filipino.
Kailangan nating ihubog ang ating mga sarili sa paggamit ng ating sariling wika, hindi naman binabawal ang paggamit ng ibang wika tulad ng Jejemon kailangan lang natin itong kontrolin upang magkaroon ng malinaw, pagkakaintindihan, pagkakaisa at pagkakaugnay-ugnay sa bawat isa. "Ang wika ay susi ng puso at diwa, tuluyan ng tao't ugnayan ng bansa." - Mirasol Mapula
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)